MONDAY FLAG RAISING CEREMONY | JULY 6, 2026
Masiglang pinangunahan ng Municipal Budget Office ang ating Flag Raising Ceremony ngayong araw, July 6.
Ginunita ang ika-10 taon ng tagumpay ng bansa sa Arbitral Tribunal. Ang makasaysayang desisyong ito ay isang matibay na sandigan na patuloy na nagpapatunay ng ating karapatan at nagtatanggol sa ating West Philippine Sea.
Bukod dito, binigyang-pagkilala rin ang ating mga Medical Interns mula sa Virgen Milagrosa University Foundation, at ang magigiting na atletang nag-uwi ng karangalan mula sa Roll Ball Friendship Cup Luzon 2026 na ginanap sa Quezon City. Ipinaabot din ng LGU ang buong suporta at pakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month katuwang ang ating mga Barangay Nutrition Scholars.
Patuloy ang ating pagkakaisa at paninindigan para sa ating bayan at bansa!
#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1HQxezCGZ2/