
MOTORISTANG LUMALABAG SA BATAS TRAPIKO, MARAMI PA RIN – POSO LINGAYEN
Patuloy na tumataas ang bilang ng mga lumalabag sa batas trapiko ng bayan.
Ito ang kinumpirma ni Public Order Safety Office (POSO) Lingayen Chief Jon Konrad Arias, kung saan tumaas aniya ang bilang dahil sa may ilang motorista ang matitigas ang ulo na hindi nagsusuot ng helmet, nagmamaneho ng walang lisensya pati na ang kawalan ng registration ng mga sasakyan.
Bukod sa mga nabanggit na violation, ilang din sa mga paglabag ang pagmamaneho umano ng sasakyan ng walang side mirror, improper attire (partikular sa mga pampasaherong bus, jeep at tricycle), overloading, reckless driving at noisy muffler o maingay na tambutso.
Patuloy namang pina-aalalahanan ng POSO ang mga motorista na sumunod sa traffic ordinance na ipinapatupad ng bayan upang maiwasan ang pagkahuli at multa.
Binigyan diin din nito na walang personalan sa kanilang ginagawang paninita. Naiintindihan din umano ng kanilang opisina kung magtanim ng sama ng loob ang mga mahuhuli nilang mga motorista. Aniya, kanila lamang ginagampanan ang tungkuling ibinigay o iniatas sa kanila.
Paliwanag pa ni Arias, hindi titigil ang kanilang tanggapan na hulihin at disiplinahin ang mga hindi tumatalima sa batas trapiko sa bayan ng Lingayen.
Una nang nilinaw ni Mayor Leopoldo N. Bataoil na saklaw sa umiiral na batas ang lahat ng mga empleyado ng munisipyo kabilang na ang kanyang mga personal drivers.
Iniutos ng alkalde ang paghuli sa mga ito sa oras na makitaan ng anumang violation o paglabag sa batas.
Narito ang listahan ng POSO Office kaugnay sa kanilang mga naitalang violations ngayong buwan ng Enero:
Wearing slipper 11
Improper attire 63
Driving w/out license 152
No or/cr 11
Failure to obey POSO 7
Illegal parking 14
No plate 212
Impounded 18
No helmet 6
No helmet backride 16
Reckless driving 2
Illegal loading 7
Colorum 11
Obstruction 16
No mayors permit 3
Counterflow 8
Unregistered motor 7
Expired license 15
Overloading 5
Deffective muffler 2
Influence liquor 2
Arrogant driver 2