Skip to main content

Motorized Tricycle Operators’ Permit

Ipinaliwanag ng Business Permit & Licensing Office ng Lingayen ang tamang proseso at patakaran ukol sa paggagawad ng prangkisa sa mga pampasadang traysikel sa bayan o mas kilala sa tawag na MTOP o Motorized Tricycle Operators’ Permit .

Ayon kay Licensing Officer II Edgardo Sison, ang Motorized Tricycle Operators’ Permit ay ang prangkisa o kaukulang permiso na ipinagkakaloob sa mga tricycle drivers at operators upang ang mga ito ay makapamasada ng legal sa lansangan.

Aniya, nakasaad sa sinusunod na ordinansa ng bayan ang pagpaparenew ng tricycle franchise na dumadaan din sa masusing inspeksyon. Nakasaad din umano dito na posibleng mai-impound ang mga walang prangkisa o hindi nakapagrenew ng kanilang Motorized Tricycle Operator’s Permit o MTOP at magbabayad ng karampatang multa ang sinumang mahuhuling driver o operator alinsunod sa itinatakda ng batas.

Narito ang mga dokumentong kinakailangang dalhin para sa aplikasyon ng prangkisa.

(Para sa NEW & RENEWAL)

-Certification of TODA Tricycle Operators and Drivers’ Association
-Barangay Clearance;
-Resibo at rehistro (Updated Official Receipt at Certificate of Registration/OR CR) ng motorsiklo na gagamiting pamasada
-Driver’s license
-2X2 Picture
-Cedula na nagkakahalaga ng P55.00 pesos
-Mayor’s Permit

Para naman sa mga may-ari ng pampasadang sasakyan na nasa abroad o malayong lugar, maaari pa rin umanong makakuha ang mga ito ng kanilang prangkisa sa pamamagitan ng kanilang mga kamag-anak o kapamilya.

Ayon sa opisyal, kinakailangan lamang magpresenta ng kahit anong patunay ang inutusang indibiwal na ito’y kanilang kamag-anak.

Halimbawa aniya sa mag-asawa, kelangang ipakita ang kanilang Marriage Contract at kung kapatid naman ay Birth Certificate ng dalawa. Dito kasi aniya, ibabase ang pagkaka-ugnayan ng may ari ng sasakyan ang ng representative o inutusang kumuha o mag renew ng naturang prangkisa.

Samantala, Special Power of Attorney naman ang kinakailang ipresenta sa Licensing Office ng bayan kung ang sasakyan o unit na ipaparehistro ay maituturing na reposes (REPO Motorcycle).

Bukod sa mga nabanggit na rekisitos, binigyang diin ni Sison na kinakailangan ding magbayad ng P360.00 pesos bilang processing fee.

Dati aniya itong nagkakahalaga lamang ng P300.00 pesos ngunit dahil lumagpas na sa ibinigay na palugit upang iparehistro at irenew ang kanilang mga pampasadang sasakyan ay nabigyan na ito ng karampatang penalty o multa.

Muli namang nanawagan ang opisyal sa publiko partikular na ang mga namamasada na iparehistro na ang kani-kanilang mga sasakyan. Aniya, obligasyon ng mga may-ari (operators) ng tricycle na ayusin ang lahat ng kanilang mga papeles bago sila tuluyang lumaot sa lansangan. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan