MOVABLE KITCHEN AT COOKING MATERIALS IPINAGKALOOB SA MGA CHILD DEVELOPMENT CENTERS NG LINGAYEN
Namahagi ang lokal na pamahalaan ng Lingayen ng libreng cooking materials para sa mga Day Care workers sa bayan.
Sinaksihan mismo ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang distribusyon nito katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Lingayen na ginanap sa Lingayen Tricycle Terminal ngayong araw ng Martes, ika-9 ng Mayo 2023.
Naging benepisyaryo dito ang labinlimang (15) day care workers mula sa mga sumusunod na Child Development Centers (CDC) sa mga barangay:
2. Aplaya CDC
3. Domalandan East CDC
4. Domalandan Center
5. Domalandan West CDC
6. Sabangan CDC
7. Estanza CDC
8. Balangbong CDC
9. Bantayan CDC
10. Tumbar CDC
11. Lasip CDC
12. Rosario CDC
13. Matalava CDC
14. Dulag CDC
15. Wawa CDC
Kasama sa mga ipinamahagi na toolkits ay kaserola, kaldero, kitchen knife at iba pang mga kasangkapang gamit sa pagluluto. Mayroon na ring kasamang movable kitchen na siyang pwedeng gamitin sa pagluluto pati na rin sa proper handwash ng mga Day Care Centers.
Paglilinaw ng MSWDO, ang labing limang barangay na unang nabanggit ay ang 1st batch ng beneficiaries sa ngayon. Isusunod aniya dito ang mga natitira pang barangay sa bayan.
Layunin ng aktibidad na masigurong maihanda ng malinis ang pagkain ng mga batang pumapasok sa Day Care Center (supplemental feeding) at maturuan ang mga ito ng basic skills tulad ng proper handwashing, pagsisipilyo at iba pa. (MIO|MRLlanillo/JMAquino)