Skip to main content

MPTC Tour of Luzon 2026 Stage 13 ITT Draws Crowds at Lingayen Baywalk

Dinagsa ng mga residente, turista, at cycling enthusiasts ang Lingayen Baywalk sa Pangasinan para tunghayan ang Stage 13 – Individual Time Trial (ITT) ng MPTC Tour of Luzon 2026.
Paisa-isang sumalang ang mga riders sa hamon ng bilis, tibay, at disiplina sa isa sa pinakamahalagang yugto ng kompetisyon.
Muling ipinakita ng Pamahalaan ng Pangasinan, sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III, ang suporta nito sa world-class sporting events na hindi lamang nagtatampok ng husay sa larangan ng sports, kundi pati turismo, kultura, at pagkakaisa ng mga komunidad.
Matapos ang Stage 13 sa Lingayen, haharapin naman ng mga riders ang inaabangang Grand Finish patungong Baguio City.
(Rich Majin, JP De Vera | PIMRO

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/14fRDVz6WeP/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan