Skip to main content

Muling Binalikan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang mga Apektadong Pamilya na Nasalanta ng Sunog Kagabi Mula Brgy. Tonton, Lingayen

NOVEMBER 28, 2021: Muling binalikan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang mga apektadong pamilya na nasalanta ng sunog kagabi mula Brgy. Tonton, Lingayen.
Mula sa mga naunang tulong kagabi ay personal ring kinumusta ng alkalde ang mga biktima at sinamahan sa isang panalangin gayundin para sa isang kababayang may karamdaman na naapektuhan rin ng sunog.
Nagpaabot ng pinasyal na tulong ang alkalde, bigas,noodles at nagpahanda rin ng pananghalian para sa mga ito.
Para sa mga nais magpaabot ng tulong, hinihiling ng mga biktima na matulungan sila sa pagbili ng mga materyales na kanilang magagamit para sa muling pagpapatayo ng kanilang mga tahanan at muling makabangon sa trahedyang ito.
📸 MIO/ GCEAdeur/DJEstrada

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan