MULTI PURPOSE BUILDING/LINGAYEN EVACUATION CENTER II, PINASINAYAAN
Pormal nang pinasinayaan ang Multi-Purpose Building/Evacuation Center II sa Brgy. Estanza, Lingayen noong ika-4 ng Hulyo, 2023 sa pangunguna ni Lingayen Mayor Leopoldo N. Bataoil, Estanza Brgy Council na pinamumunuan ni PunOng Barangay Hipolito Perez at ng panauhing pandangal na si Climate Change Commission Chairman Albert Dela Cruz, Sr.
Ang 2-storey multi-purpose building ay maaring gamitin sa mga opisyal na pagtitipon sa barangay, seminars, conferences at lalo’t higit bilang isang evacuation center sa panahon ng kalamidad. Magsisilbi itong pansamanatalang silungan ng mga residenteng maapektuhan ng iba’t ibang uri ng sakuna o kalamidad. Ito rin ay maaring pakinabangan hindi lamang ng mga residente ng barangay kundi maging ng mga karating barangay sa Western District ng Lingayen.
Pinangunahan naman ni Bishop Marlon Aquino ang pagbabasbas sa naturang gusali at matapos nito ang Ribbon Cutting Ceremony.
Naroon rin sa naturang okasyon sina Vice Mayor Mac Dexter Malicdem at Konsehal Jonathan Ramos, mga Punong Barangays ng Western District, kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ilang Department Managers sa pamumuno ni Municipal Administrator Roberto Sylim at iba pang mga panauhin.
Ang naturang Multi-Purpose Building ay mula sa tulong at pondo ni Senador Juan Edgardo “Sonny” M. Angara para sa mamamayan ng Lingayen.
Laking pasalamat naman ni Punong Barangay Hipolito sa lokal na pamahalaan at kay Mayor Batoil sa patuloy na pag-alalay at pagsuporta sa mga pangangailangan ng kanyang nasasakupan.
Kaugnay nito at nagsagawa rin ng ocular visit ang Climate Change Commission sa mga heavily silted na river tributaries at delta estuary sa bayan kabilang ang Limahong Channel (MIO)
📸MIO/GcRueda