Skip to main content

MUNICIPAL IATF NAGPULONG, PAGHAHANDA SA SEMANA SANTA, INILATAG

Upang masiguro ang kaligtasan ng kanyang mga kababayan, mahigpit ngayong ipinag-utos ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang mas istriktong pagpapatupad ng mga health protocols sa bayan.

Ito ay bunsod ng muling pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa bayan at paghahanda sa posibleng dagsa ng tao ngayong Semana Santa.

Sa isinagawang Municipal IATF Meeting kamakailan, ipinabatid ng alkalde sa mga miyembro nito na tiyaking maayos na naipatutupad ang minimum health standards upang maiwasan ang hawaan ng nasabing virus.

Una nitong inatasan ang pulisya kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP) Lingayen at ang Municipal Health Office (MHO) na magsagawa ng regular na pagroronda sa lahat ng mga establisyemento sa bayan upang masigurong tumatalima ang mga ito sa minimum health standards partikular ang bahagi ng LIngayen Baywalk.

Ipinag utos din nito sa Municipal Local Government Operations Office (MLGOO) ang random spot check sa bawat barangay kabilang na ang aktibong presensya at kahandaan ng kani-kanilang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT).

Pinatitiyak din ni Mayor Bataoil ang seguridad at kaligtasan ng mga empleyado sa munisipalidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng alcohol sa bawat opisina pati na ang regular na pag-disinfect dito tuwing matatapos ang walong oras na operasyon.

Samantala, muli namang hinimok ng alkalde ang publiko lalo na ang kanyang mga kababayan na iwasan muna ang non-essential travel at mahigpit na sundin ang health protocols sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa bansa. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan