
Nagpatawag ng pulong si Mayor Leopoldo N. Bataoil kasama ang ilang myembro ng local IATF
Nagpatawag ng pulong si Mayor Leopoldo N. Bataoil kasama ang ilang myembro ng local IATF sa mga Punong Barangay ng mga lugar na nagtala ng pinakamatataas na kaso ng COVID-19 sa bayan.
Ito ay upang talakayin ang kanilang mga ginagawang hakbang upang matiyak na naipatutupad ang mga health protocols at sumusunod sa panuntunan ang mga naka-home quarantine.
Ipinaalala rin sa mga lider ng barangay ang patuloy na pagmomonitor at pagsita sa mga lumalabag sa kanilang nasasakupan.
Kung hindi umano mapipigilan ang patuloy na pagkalat ng kaso bunsod ng mga paglabag sa panuntunan ay mapipilitang magsagawa ng mga localized o granular lockdown sa mga lugar na patuloy na magtatala ng mataas na kaso.