Skip to main content

Nakatakdang ilunsad sa bayan ng Lingayen ang ‘Kadiwa ni Ani at Kita’ ng Department of Agriculture


Nakatakdang ilunsad sa bayan ng Lingayen ang ‘Kadiwa ni Ani at Kita’ ng Department of Agriculture o DA katuwang ang Pangasinan Provincial Office at Lokal na Pamahalaan ng Lingayen.

Ito ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong ibenta ang mga pananim na gulay ng mga magsasaka sa murang halaga. Dito ay gagawing direct seller ang mga lokal na magsasaka sa bayan at ibababa ang presyo ng mga bilihin bagay na maaaring makatulong sa pagtaas ng kanilang kita dahil hindi na dadaan pa sa middle men o traders ang kanilang mga benta.

Ayon sa Municipal Agricuture Office (MAO) Lingayen, nagsasagawa pa ang mga ito ng konkretong plano para sa isasagawang aktibidad sa Hunyo 24, 2022 na gaganapin sa Lingayen Civic Center.

Inaayos na rin umano ang listahan ng mga identified farmer cooperative association na lalahok dito maging ang mga produktong maaari nilang ibenta sa publiko bukod pa sa mga sariwang gulay, prutas, at karne.

Mangyari lamang na umantabay sa Lingayen Information Office Page para sa iba pang mga detalye at impormasyon na may kinalaman sa naturang aktibidad. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan