Skip to main content

Naki-isa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong araw ng Martes, Marso 8, 2022

Sinimulan sa isang motorcade ang simpleng programa na pinangunahan naman ni Vice Mayor Judy Vargas Quiocho at nilahukan ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang  sektor, barangay at mga municipal employees.

Kinilala naman ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang kontribusyon ng mga kababaihan sa  lipunan hindi lamang bilang ilaw ng tahanan ngunit bilang isang matatag na haligi sa lipunan.

“We had just launched a very meaningful activity, simple lang. Napakasimple lang. Umikot lang tayo, kumakaway kaway lang tayo but we have delivered a very strong message. Ibig sabihin lang nito, do not forget the women. Huwag niyo kalimutan ang inyong nanay, ang inyong ate, ang inyong kapatid. Without them, this world is nothing” ani Mayor Bataoil.

Inanunsyo naman ni Vice Mayor Quiocho ang mga iba pang mga nakalatag na aktibidad para sa selebrasyon ng Women’s Month ngayong buwan. Isa na lamang dito ang pamamahagi ng filing cabinets sa iba’t ibang barangay kasama ang mga libro patungkol sa mental health. Nagbigay din ng limang daang pisong (500)purchase order o P.O para sa gas ng mga barangay na gumamit ng kanilang rescue vehicle at nakilahok sa naturang programa. Ang lahat umano nito ay mula sa budget ng  Gender and Development o GAD ng LGU Lingayen.

Tiniyak naman ng bise alkalde na ipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ang pagsusumikap na pahalagahan ang kapakanan ng mga babae.

Samantala, bilang pakiki-isa sa naturang selebrasyon bumisita rin sa bayan si Dr. Janine Patricia Robredo, kilala bilang Advocate for Women’s Right.

Ngayong araw ang itinakdang  international womens day  habang  ang  buong  buwan ng  Marso  ang itinakdang  buwan ng  kababaihan sa  Pilipinas  alinsunod sa Republic Act 6949. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan