Skip to main content

NAPOLCOM REGIONAL OFFICE I, BUMISITA SA LINGAYEN PARA SA MONITORING AT EVALUATION

Masiglang tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang mga kinatawan mula sa National Police Commission (NAPOLCOM) Regional Office I para sa isinagawang Performance and Compliance Monitoring and Evaluation.

Layunin nito na suriin ang kahandaan, maayos na pamamalakad, at epektibong pagpapatupad ng mga programa ng ating kapulisan. Bahagi ito ng masiguro na nananatiling de-kalidad, tapat, at maaasahan ang serbisyong inihahatid ng Lingayen PNP para sa kaligtasan at kaayusan ng ating bayan.

Patuloy na nakikiisa ang pamahalaang bayan sa mga hakbangin ng NAPOLCOM upang lalo pang mapabuti ang serbisyo publiko para sa bawat Lingayenense!

#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1L7F6ahSfL/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan