Skip to main content

NATAGPUANG ABANDONADONG SANGGOL NA WALA NG BUHAY, AGAD DING IPINALIBING

Sa ulat ng Lingayen Police Station, dakong 10:10 AM ngayong ika-26 ng Hunyo, 2024, nadiskubre ng isang empleyado ng isang pampublikong paaralan sa bayan ng Lingayen ang isang plastic bag na naglalaman ng inabandonang sanggol at wala nang buhay sa isang eskenita sa pagitan lamang ng BFP Lingayen at Lingayen District Hospital.

Tinatayang premature o nasa pagitan ng 7-8 buwan ang naturang sanggol. Agad ring binendisyunan ang labi nito at pinangalanang baby “Joseph The Saint” ni Most.Rev.Fidelis B. Layog, Auxillary Bishop ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan ngayong hapon.

Kasunod nito, agad ipinag-utos ni Mayor Leopoldo N. Bataoil na dalhin na sa sementeryo upang mabigyan ng maayos na libing ang bata sa tulong ng Lingayen PNP, Municipal Social Welfare and Development Office at Municipal Information Office at isang Funeraria sa bayan dahil sa umaamoy na rin ang mga labi ng naturang sanggol.

Magpapatuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa utos na rin ng alkalde upang bigyang linaw ang nangyari at mapanagot ang salarin na nag-iwan ng isang supot na naglalaman ng katawan ng kaawa-awang sanggol.

Humihingi naman po ng panalangin ang LGU Lingayen para sa ikatatahimik ng kaluluwa ni Baby “Joseph The Saint”. (MIO/MVR)
PNP Lingayen/MIO_JMMangapot

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan