Skip to main content

National No Smoking Month


Mas pinaigting ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang kampanya kontra paninigarilyo.

Ito’y bilang pakikibahagi sa selebrasyon ng National No Smoking Month na ginugunita ngayong buwan ng Hunyo kung saan may tema itong “Tobacco: Threat to our life! Vape and Smoke-Free Environment for a Healthy Pilipinas”.

Ayon sa Municipal Health Office o MHO Lingayen, layon ng kampanya na hikayatin ang publiko lalo na ang mga kabataan na tigilan at umiwas sa paninigarilyo.

Nagsasagawa na rin umano ang kanilang tanggapan ng ilang mga hakbang hinggil sa pagpapakalat ng wastong kaalaman tungkol sa masasamang epekto nito sa kalusugan ng tao lalo na ngayon na may kinakaharap pa ring pandemya ang bansa.

Ayon sa Department of Health, pangunahing sinisira ng paninigarilyo ang baga, puso, at iba pang organ ng katawan na maaaring magdulot ng mas malalang kaso ng COVID-19. Mas madali umanong kapitan ng virus ang mga taong naninigarilyo dahil may kakayahan itong pahinain ang immune system bagay na posibleng magdala ng panganib at komplikasyon sa katawan.

Sa katunayan, mismong si Mayor Bataoil na ang humihikayat sa kanyang mga kababayan na piliin ang malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng pag iwas sa naturang bisyo at paglulunsad ng mga health and fitness program.

Aniya, ang pag-iwas o pagtigil sa paninigarilyo ay isa sa mga pinakamatalinong desisyon na magagawa ng isang indibidwal hindi lamang para sa kanyang kalusugan ngunit maging sa mga mahal sa buhay na maaring maapektuhan ng second hand smoke. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan