Skip to main content

National Simultaneous Earthquake Drill (NSED)

Isinagawa ngayong araw, Marso 12, 2026, sa ganap na alas-3:30 ng hapon, ang First Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED). Nakiisa ang LGU Lingayen sa nasabing aktibidad bilang bahagi ng patuloy na paghahanda sa posibleng lindol.

Ang drill ay isinagawa sa Harvent School at sa Pangasinan Police Provincial Office (PPO) kung saan aktibong lumahok ang mga kawani, estudyante, at iba pang kalahok. Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kaalaman at kahandaan ng komunidad sa tamang gagawin sa oras ng lindol sa pamamagitan ng pagsunod sa mga safety procedures tulad ng “Duck, Cover, and Hold.”

Patuloy na hinihikayat ng pamahalaan ang lahat ng mamamayan na makiisa sa mga ganitong gawain upang mas mapabuti ang kahandaan ng komunidad sa mga sakuna.

For Emergency Response related concerns,
Please contact: Ldrrmo Lingayen
Telephone No. : (075) 653 7515
Mobile No. : 0919-099-2230

#ldrrmoinaction
#ldrrmorescue
#ldrrmolingayen
#IDAYewTayoyLingayen

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1FZ29unkRc/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan