NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL PARA SA 2ND QUARTER NG TAON, ISINAGAWA

Muling nakilahok ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pangunguna ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO Lingayen sa  Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong  ikalawang kwarter ng taon.

Aktibong nakilahok sa nasabing aktibidad ang mga kababayan mula sa iba’t ibang barangay. Nagsagawa din ng tatlong araw na pagsasanay mula Hunyo 7-9, 2022 ang ilang kawani ng LDRRMO Lingayen sa tatlong barangay na kinabibilangan ng mga sumusunod:

-Brgy. Malimpuec

-Brgy. Pangapisan North

-Brgy. Matalava

Dito ay tinuruan ang mga opisyales ng barangay, Civilian Volunteer Organizations (CVOs), Barangay Health Workers at mga Sangguniang Kabataan ng mga hakbangin na dapat gawin sakaling makaranas ng lindol o anumang sakuna.

Katuwang ang Bureau of Fire Prevention (BFP)at Lingayen PNP, itinuro sa mga ito ang ‘duck, cover and hold’, pati na ang evacuation scenarios; search, rescue, and retrieval operations; emergency medical response; at iba pa.

Ayon sa LDRRMO Lingayen, kanilang isinasagawa ang drill para itaas ang kaalaman ng publiko at maging handa ang mga ito sa lahat ng pagkakataon.

Matatandaan na idinaos ang unang kwarter ng Nationwide Simultaenous Earthquake Drill noong buwan ng Marso habang ngayong Hunyo naman para sa ikalawang kwarter. Inaasahang sa Setyembre gaganapin ang third quarter at sa buwan ng Nobyembre ang ikaapat at huling drill para sa taong 2022.  (MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan