Skip to main content

NEW APPOINTEES AT NEWLY PROMOTED NA EMPLEYADO, NANUMPA!

Nanumpa na sa harap mismo ni Lingayen Mayor Leopoldo N. Bataoil ang siyam (9) na bagong promote na mga empleyado at bagong appointees na dating job orders, ika-20 ng Hulyo, 2020 kasabay ng Regular Monday Flag Raising Ceremony ng municipal government.

Limang (5) job orders ang mapalad na mapabilang sa mga appointees kabilang sina Abelardo Cruz (Agricultural Technologist), Mary Shine Adrayan (Clerk I), Felinda Maneclang (Laborer II), Noeme Cruz (Utility Worker II) at Bernardo Viernes, Jr. (Laborer II), pawang mga Administrative Aide III na item.

Promoted naman sa pwesto sina Gina Flores (Secretary to the Sangguniang Bayan), Adamson Miňa (Market Supervisor I), Remando Malogan (Draftsman III) at bagong head ng Municipal Planning and Development Office na si dating Konsehal, Engr. Silvester John “Teng” Tapia.

Ang naturang mga empleyado ay dumaan sa masusing interview ng Municipal Selection Board at binusisi ang kanilang kwalipikasyon at pinakamahalaga umano ang kanilang attitude sa trabaho.

Pinarangalan din ang mga empleyadong nagtatrabaho sa lokal na pamahalaan ng Lingayen na umabot na ng eksaktong 10, 15, 20 at 25 na taon.

Ayon sa Human Resources and Management Office o HRMO, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng oath taking ang mga bagong promote na kawani ng LGU gayundin ang pagbibigay pagkilala sa mga empleyadong matagal na sa serbisyo o Loyalty Award.

Malugod namang binati ng alkalde ang mga ito, isinagawa rin umano ang seremonya hindi lamang para kilalanin ang kanilang dedikasyon sa trabaho kundi nais ni Mayor Bataoil na maging inspirasyon at halimbawa ang mga ito para sa iba pang kawani ng lokal na gobyerno.

Samantala hiling din ng alkalde kay Vice-Mayor Judy Vargas-Quicho na imbitahan ang iba pang myembro ng konseho upang regular din makasali sa flag raising at flag retreat ceremony, dahil isa umano ito sa pagpapakita ng kanilang pagtupad sa sinumpaang tungkulin sa bayan at sa bansa. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan