NEW SCHEDULE: LTOPF AT FIREARMS REGISTRATION ONE-STOP SHOP
Ipinagbibigay-alam sa publiko na ang ipinagpalibang Modified One-Stop Shop para sa License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at Firearms Registration (FR) ay gaganapin na sa darating na September 2 hanggang 3, 2026 sa Dela Cruz Auditorium.
Ang programang ito ay bukas para sa mga nais kumuha ng bagong lisensya, mag-renew, at mag-asikaso ng pagpaparehistro o paglilipat ng pagmamay-ari ng baril. Iba’t ibang serbisyo rin ang direktang ibibigay sa caravan, kabilang na ang Neuro-Psychiatric Test, Drug Test, at Gun Safety Seminar.
📌 MGA MAHAHALAGANG PAALALA:
Pre-Registration: Mahigpit na pinapayuhan ang mga aplikante na makipag-ugnayan nang maaga. Bumisita sa Lingayen Police Station o tumawag sa kanilang hotline: 0998-598-5109.
Requirements: I-check ang mga kalakip na larawan sa ibaba para sa kumpletong listahan ng mga kinakailangang dokumento base sa inyong transaksyon.
Para sa Neuro-Psychiatric Exam: Huwag kalimutang magdala ng sariling ballpen at dalawang (2) piraso ng 2×2 picture (white background na may nametag).
I-tag o i-share ito sa inyong mga kakilala na nangangailangan ng serbisyong ito!
Lingayen Police Station, Pangasinan PPO
#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen
Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1EiVro2zad/