NEWLY HIRED CONTACT TRACERS NG LINGAYEN, IPINAKILALA NA NG DILG

Sisimulan nang ipakalat ngayong araw Oktubre 19, 2020 ang mga bago at kwalipikadong contact tracers sa bayan.

Matapos ang dalawang araw na pagsasanay, tuluyan nang itinurn over ng Department of Interior and Local Government o DILG ang labing pitong (17) contact tracers sa Municipal Health Office sa pamamahala nina Dr. Sandra Gonzales ng Rural Health Unit I at Dr. Ferdinand V. Guiang ng Rural Health Unit II.

Pinangunahan mismo ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang nasabing turnover kung saan isa-isa nitong tinanong kung kakayanin ba ng mga nasabing contact tracers ang kanilang bagong trabaho at kung determinado silang tapusin ito.

Ayon sa alkade, dapat munang masiguro na nasa tamang kondisyon ang mga ito bago tuluyang isabak at i-deploy sa mga bara-barangay.

“You should be alert at all times. Keep yourself protected lalo na at hindi biro ang magiging trabaho ninyo” ani Mayor Bataoil.

Dagdag pa nito, responsibilidad niya bilang alkalde na masiguro ang kanilang kapakanan at ligtas ang kanilang kalusugan lalo na ang kani-kanilang mga pamilya kung kaya’t tiniyak na sila ay bibigyan ng lahat ng mga kagamitan tulad ng personal protective equipment, medical supplies at iba pang kakailanganin sa kanilang pagtatrabaho.

“I am responsible to your success and failure. As your mayor, I want to assure that you will not harm yourself as well as your family. I want to make sure na ligtas kayo habang ginagawa ninyo ang tungkulin o trabaho ninyo bilang mga contract tracers sa bayan natin” dagdag ng alkalde.

Mahigpit din ang naging bilin ni Dr. Gonzales at sinabi nitong huwag silang mag aatubiling magtanong sa kanilang tanggapan lalo na kung may mga bagay silang hindi alam o hindi maintindihan.

“Kung may hindi kayo alam, feel free to ask us. Andyan lang naman kami kasama ang ating mga DOH para tulungan at i-assist kayo” ayon kay Gonzales.

Kooperasyon at team work naman ang hiniling ni Dr. Guiang sa mga Contact Tracers upang mapuksa ang banta ng virus o COVID-19 sa bayan. Nais nito na paigtingin ang pagkakaroon ng contact tracing para maging daan na madaling ma-contain ang naturang sakit.

Ang mga contact tracers ay tatanggap ng minimum na sahod na P18,784 bawat buwan bilang contract of service personnel. Kabilang sa kanilang mga responsibilidad ay ang magsagawa ng mga panayam, profiling, at initial public health risk assessment ng COVID-19 cases at kanilang identified close contacts; i-endorso ang mga close contacts sa mga isolation facilities; magsagawa ng enhanced contact tracing sa pakikipagtulungan ng iba pang mga ahensya at pribadong sektor; pang-araw-araw na pagsubaybay sa close and general contacts na hindi bababa sa 14 na araw, at pagganap ng iba pang mga gawain na may kaugnayan sa COVID-19 response.(MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan