Skip to main content

NOTICE OF COMPLIANCE MULA SA LTFRB, IGINAWAD SA BAYAN NG LINGAYEN

Iginawad ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board o LTFRB Region 1 ang Special Notice of Compliance sa lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopold N. Bataoil noong ika-7 ng Agosto 2024 sa Lingayen Civic Center.
Ang Special Notice of Compliance Award ay isang pagkilala sa mga bayang matagumpay na naisumite ang kanilang Local Public Transport Route Plan or LPTRP 2024-2028 alinsunod sa Department of Transportation (DOTr) guidelines at ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr..
Ang Lingayen ang isa mga nangunang bayan sa lalawigan na nakapagpasa na ng sarili nitong LPTRP na aprubado na rin ng LTFRB.
Personal na pinapurihan at iginawad ni LTFRB Region 1 Regional Director Atty. Anabel A. Marzan-Nullar sa bayan ng Lingayen ang naturang compliance at umaasang maipatutupad ito sa mga susunod na panahon.
Matapos ang pagtanggap ng parangal, pinangasiwaan naman ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) ang isang open forum kung saan tinalakay ang nilalamanan ng LPTRP 2024-2028 para sa bayan ng Lingayen.
Nanguna sa nasabing pagpupulong sina Konsehal Rasel Cuaresma, Konsehal Jonathan Ramos, Konsehal Rod Morosi na dinaluhan naman ng mga stakeholders mula sa transport sectors tulad ng mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers, TODA at ilang mga kinatawan mula pamahalaang lokal.
Layunin ng naturang aktibidad na maiplano at maisaayos ang sistema ng transportasyon sa bayan ng Lingayen.
Kabilang sa tinalakay dito ay ang mga posibleng bagong ruta, designated drop offs at pick up points mula sa central, western at southern districts ng bayan.
Binigyang-diin ni Konsehal Rod Morosi, na siyang Chairman of Committee on Public Safety, Peace and Order and Transportation, na ang mga isinasagawang pagbabago ay para mas mapaunlad pa ang bayan ng Lingayen.
Kasabay ng kanyang mensahe, hinimok din niya ang mga PUV drivers na maging partisipatibo sa usapin ng trapiko at transportasyon. Aniya, “We will doing this for our future and success. Ang pag-uunnlad ng bayan ay kasama po lahat po kayo. We should work shoulder to shoulder para makarating po doon. Let’s move forward because the plans and wishes of our Municipality is not to go backward but to go to the future”
Nagsilbi rin itong pagkakataon para sa mga tricycle drivers upang maiparating ang kanilang mga suhestiyon at hinaing ukol sa napipintong pag-implementa ng Local Public Transport Route Plan 2024-2028.
Ang LPTRP ay isang 5-year plan na naglalaman ng komprehensibong detalye ng pagpapaunlad sa sektor ng transportasyon ng isang bayan. Nakapaloob dito ang route network, mode, and required number of units ng mga pampublikong transportasyong kinakailangan upang mas maging epektibo ang sistema ng trapiko. (MIO_MRVinluan/PJBayog)
MIO/RCSoriano
Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan