Skip to main content

Official Lingayen Limgas na Baley Candidates, Pormal nang Ipinakilala

Pormal nang ipinakilala sa publiko ang mga kandidata ng Lingayen Limgas na Baley 2024.
Rumampa ang mga aspiring candidates sa idinaos na Sashing Ceremony ngayong araw ng Lunes ika-9 ng Oktubre, 2023.
Labing tatlong (13) naggagandahang mga kandidata ang nakapasa sa isinagawang screening kamakailan at ngayong araw nga nagpakilala sa harap ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga bisita.
Nagpagalingan sa pagpose at pagproject ang mga kandidata na taglay ang confidence sa pigura ng kanilang mga katawan.
Ayon kay Mayor Leopoldo N. Bataoil ang lahat ng mga kalahok na kandidata ay dumaan sa proseso ng screening session at kalaunay nakamit ang mga criteria at requirements base sa deliberasyon ng screening panel.
Dagdag pa ng alkalde, maliban sa pageant magkakaroon ng mga trainings at dadaan self development program ang mga kandidata na makakatulong upang lalo pang mapagbuti ang kanilang pakikiharap sa publiko.
“They will go through training program which will make them truly official candidates of our town. To anyone of them who will make it, May I ask all of you to pray for them to really achieved what they are aiming for and what Lingayen is aiming for.” pahayag ni Mayor Bataoil.
Ang mga kandidata para sa Miss Lingayen Limgas Na Baley 2024 ay ang mga sumusunod:
1. Lady Maxine Cruz (Poblacion)
2. Maria Cristel Joy C. Prado (Poblacion)
3. Pearline Joy M. Bayog (Libsong East)
4. Kimberly Taguibao (Poblacion)
5. Kissy Mae Roque (Pangapisan North)
6. Divine Grace D. Malicdem (Libsong East)
7. April Mae Flores (Domalandan East)
8. Dhenice G. Hignpit (Sabangan)
9. Maria Romana Amparo (Baay)
10. Jana Marie F. Palma (PSU Lingayen Campus)
11. Patricia May Lalamoro (Quibaol)
12. Samantha Louise De Guzman (Tonton)
13. Margux Gonzales (Malimpuec)
Nakatakda namang magkaroon ng pre-pageant sa darating na Disyembre 8, 2023 kung saan ang mga kandidata ay magtatagisan ng ganda, galing at talento habang sa ika-2 ng Enero, 2024 naman ang coronation night at makikilala ang tatangahling bagong reyna.
Ang Limgas na Baley ay isa lamang sa mga tampok na aktibidad para sa nalalapit na pagdiriwang ng Lingayen Cultural Presentation 2024. (MIO_MRLVinluan)
📸MIO/GcRueda/KPaulo

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan