Skip to main content

ONE ENTRANCE-ONE EXIT SA PAMILIHANG BAYAN, INAPELA

Pinulong ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang ilang mga market vendor sa kanyang opisina ngayong araw Oktubre 9, 2020.

Ito’y upang pag-usapan at solusyunan ang kanilang apela hinggil sa pagpapatupad ng one entrance-one exit sa pamilihang bayan.

Napag alaman na ilan umano sa mga tindera lalo na ang mga nakapwesto sa likod na bahagi ng palengke ay hindi na umano gaanong nakakabenta mula nang ipatupad ang polisiya.

Agad namang ipinag utos ni Mayor Bataoil kay Market Supervisor Arnulfo Bernardo na gawan ito ng paraan at solusyunan sa lalong madaling panahon.

Inatasan din nito ang PNP na istriktong imando at imonitor ang mga pumapasok at lumalabas sa naturang palengke.

Nakatakda namang magpulong ang pamunuan ng palengke at pulisya upang pag-usapan ang stratehiya o posibleng pagtatakda ng panibagong entrance o exit ng pamilihang bayan.

Matatandaan na muling ipinatupad ang one entrance at one exit policy sa pamilihang bayan matapos na makapagtala ang Lingayen ng sunod sunod na kaso ng COVID-19 kung saan ilan sa mga ito ay may exposure sa palengke.

Muli namang nagpaalala si Mayor Bataoil sa publiko na sundin ang mga ipinapatupad na health protocols o mga ibinababang panuntunan upang maka-iwas sa posibleng pagkalat ng virus. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan