OPISYAL NA PAHAYAG HINGGIL SA PASOK BUKAS, OKTUBRE 5
Isang mapagpalang hapon, mga kabaleyan.
Ipinagbibigay-alam po ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen na MAY PASOK sa lahat ng pampublikong paaralan bukas, Lunes, Oktubre 5, 2026.
Upang maiayon at igalang ang awtoridad at umiiral na kalendaryo ng Department of Education (DepEd), pormal nang binabawi ang inilabas nating Executive Order No. 101, s. 2026.
Humihingi po ng dispensa ang inyong lokal na pamahalaan sa anumang abala o kalituhang dulot ng naunang anunsyo.
Sa kabila ng pagbabagong ito, hindi kailanman magmamaliw ang ating mataas na pagtingin at taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating mga guro. Kayo po ang patuloy na naghuhubog at nagbibigay-liwanag sa kinabukasan ng mga kabataang Lingayenense.
Maraming salamat po sa inyong malawak na pang-unawa.
#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen
CLICK HERE https://www.facebook.com/share/p/1CTkmVzAge/