Opisyal na Simula ng Inter-Barangay Sports Tournament 2025!
Matagumpay na idinaos ang opening ceremony ng Inter-Barangay Basketball at Volleyball Tournament nitong Setyembre 14, 2025 tampok ang husay at dedikasyon ng kabataang Lingayenense!
Higit pa sa kompetisyon, layunin ng ganitong mga kaganapan na palaganapin ang diwa ng pagkakaisa, disiplina, at tunay na sportsmanship sa bawat barangay.
Sa pagpapatuloy ng Linggo ng Kabataan Celebration, nawa’y maging daan ito sa mas maraming oportunidad para sa kabataan hindi lang sa larangan ng palakasan kundi pati na rin sa paglilingkod at paghubog ng kanilang potensyal.
Good luck sa lahat ng teams! Sama-sama nating itaguyod ang bayanihan, pagkakaibigan, at tagumpay ng kabataang Lingayen!
Click here: https://www.facebook.com/share/p/16XwJKcY1N/









