Skip to main content

OPLAN BALIK ESKWELA 2020, TINUTUKAN

Tiniyak ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang maayos na pagsisimula ng pasukan o ‘Oplan Balik Eskwela’ ng mga mag aaral ngayong ika-5 ng Oktubre, 2020.

Ito ay makaraang atasan ng alkalde ang pulisya, Bureau of Fire Protection o BFP, Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO, mga barangay officials at iba pang mga pangunahing tanggapan sa bayan na gawing ligtas at payapa ang school opening.

Bagama’t hindi naman daragsa ang mga guro at estudyante sa mga paaralan ngayong araw dahil sa distance learning ang anyo ng online class o ang pamamaraan ng pag-aaral, ay inaasahan pa rin na may mga magtutungo sa mga paaralan.

Dahil dito, paiiralin umano ng Philippine National Police o PNP Lingayen ang mahigpit na seguridad at pag-alalay sa mga guro, school personnel at mga magulang na magtutungo dito.

Sa katunayan, nagpakalat at nagtalaga na sila ng mga pulis sa lahat ng paaralan sa bayan mapa-pribado man o pampublikong eskwelahan na magpapatrolya sa mga lansangan upang matiyak ang kaayusan at seguridad ng lahat ng mga indibidwal na magtutungo rito.

Titiyakin din ng mga ideneploy na police personnel na nasusunod ng mga magulang at mga guro ang mga health protocol na ipinatutupad ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield pati na ang social distancing. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan