Skip to main content

OPLAN SEMANA SANTA 2021, KASADO NA

Kasado na ang ilang hakbang ng mga otoridad para matiyak ang mapayapang paggunita sa Semana Santa.

Nakahanda na ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), Lingayen Police Station at Bureau of Fire Protection (BFP) Lingayen katuwang na rin ang Pangasinan PDRRMO at mga Barangay DRRMO.

Asahan umano ang kanilang istriktong monitoring at pagroronda sa tatlumpu’t dalawang (32) barangay dito sa bayan simula bukas, Huwebes Santo at unang araw ng Abril.
Hinihikayat naman publiko na manatili na lamang sa kanilang tahanan ngayong Semana Santa upang mapigilan ang COVID-19 transmission sa gitna nang pagtaas ng kaso nito hindi lamang sa bayan ngunit sa buong bansa.

Kabilang sa mga ipapatupad ay ang nilalaman ng Executive Order No. 22, Series of 2021 na nilagdaan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil.

Sa ilalim ng kautusan, nasa 50% kapasidad ng simbahan lamang ang pinapayagan na makapasok sa loob ng simbahan sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ). Kinakailangan lamang na siguraduhin na nakasusunod pa rin sa health protocols ang lahat tulad na lamang ng pagsusuot ng face mask, face shield at pagobserba sa social distancing.

Ipinagbabawal naman ang mga sumusunod na aktibidad:

-Senakulo or anumang similar na aktibidad
-Stations of the Cross
-Alay Lakad at Penitencia
-paghalik at pag­hawak sa krus
-Salubong sa Easter Sunday

Mas mainam umanong sumunod na lamang sa mga alintuntunin at iwasang maging pasaway upang di na maharap sa anumang uri ng penalty bilang bahagi ng sakripisyo sa paggunita ng Mahal na Araw. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan