Skip to main content

OPLAN SUMMER VACATION (SUMVAC) 2024

OPLAN SUMMER VACATION (SUMVAC) 2024, KASADO NA

Kasado na ang Oplan Summer Vacation o SUMVAC 2024 ng Lingayen Police Station katuwang ang Local Disaster Risk Reduction and Management Council o LDRRMO Lingayen at Bureau of Fire Protection BFP Lingayen.

Ito’y upang masiguro ang kaligtasan ng mga kababayan at mga turista na magbabakasyon kasabay na rin ng pagdiriwang ng Labor Day at ‘Pistay Dayat’ o pyesta ng dagat sa probinsya.

Sa katunayan, kasalukuyan nang nakadeploy sa mga pasyalan at tourist spots gaya na lamang ng “beach” ang mga tauhan o responders ng kapulisan, LDRRMO at BFP simula pa noong mga nakaraang araw. Nasa blue alert status na rin ang naturang mga ahensya na nangangahulugan ng istriktong monitoring sa mga nabanggit na lugar.

Bukod pa rito, naka-antabay din ang mga medical team ng Municipal Health Office sa iba’t ibang key locations sa bayan upang agad na makapagbigay ng assistance sa mga biglaang pangangailangan o aksidente.

Tiniyak din ng Public Order and Safety Office o POSO Lingayen na aagapay ang mga ito sa usaping trapiko kabilang na ang pagbibigay ng serbisyo sa mga motoristang masisiraan ng sasakyan o makararanas ng aberya sa daan.

Samantala, hinihikayat ang publiko na i-report sa mga nabanggit na tanggapan ang mga kaganapan o hindi kanais nais na insidente na maaaring mararanasan o masasaksihan. Narito ang mga numerong maaaring tawagan para sa agarang koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya:

LDRRMO Lingayen- 0919-099-2230
PNP Lingayen-0916-562-5353 0998-598-5109
BFP Lingayen- 0917-186-1611 (542-7080)
POSO- 0991-801-9266

📸MIO/ Lingayen Ldrrmo, Lingayen PNP, BFP Lingayen

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan