Skip to main content

ORYENTASYON NG JOs, NEWLY HIRED AT PROMOTED EMPLOYEES, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

ORYENTASYON NG JOs, NEWLY HIRED AT PROMOTED EMPLOYEES, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

Sumailalim sa oryentasyon ang labing-apat (14) na newly-hired/promoted na mga permanenteng empleyado at ang apatnapu’t siyam (49) na newly-hired Job Orders (JOs) sa lokal na pamahalaan ng Lingayen.

Isinagawa nitong nakaraang ika-5 ng Pebrero 2024 ang Oath-Taking and Appointment Signing Ceremony ng mga permanenteng empleyado na siya namang pinamunuan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil habang ngayong ika-6 ng Pebrero 2024, naganap ang oryentasyon ng mga bagong promote at mga bagong pili na mga kawani.

Pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) ang nasabing pagtitipon, kung saan inilatag ang mga responsibilidad na katuwang ng kanilang katungkulan sa LGU Lingayen.

Nabigyan din ng pagkakataon ng mga empleyado na mabigyang kasagutan ang kanilang katanungan ukol sa kanilang mga trabaho. Kabilang sa napag-usapan ang istriktong pagsunod sa attendance, pagsusuot ng tamang uniporme, at ang aktibong pakikilahok sa flag-raising ceremony.

Sa kabila ng kanilang pagiging abala, bumisita pa rin at nagbigay ng mensahe sina Mayor Leopoldo N. Bataoil, Vice Mayor Mac Dexter Malicdem, at Konsehal Jonathan T. Ramos upang batiin at i-welcome naman ang mga baguhan.

Nanawagan sina Mayor Bataoil sa mga empleyado na manatiling maging tapat na lingkod ng bayan at huwag ibatay ang kalidad ng serbisyo sa matatanggap na kapalit.
Ayon sa HRMO, layon ng oryentasyong ito na mabigyang linaw ang mga tungkuling inaasahang gampanan ng bawat miyembro ng LGU Lingayen. (MIO/PBayog)

📸MIO/GcRueda/HRMO

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan