Skip to main content

OUTGOING OFFICIALS NG BAYAN NG LINGAYEN, PINARANGALAN


Bago tuluyang bumaba sa kani-kanilang pwesto, binigyan ng pagkilala ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pangunguna ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang mga outgoing officials na nagbigay at naghatid ng kanilang serbisyo publiko sa bayan.

Isinagawa ang maikling seremonya kasabay ng idinaos na flag raising ceremony ngayong arawng Lunes, Hunyo 27, 2022.

Binigyan ng pagpupugay sa hindi matatawarang husay sa pagganap sa kanilang tungkulin sina outgoing Councilor JC Arcinue, Councilor Randal Bernal, Councilor Shiela Castañeda at Vice Mayor Judy Vargas-Quiocho.

Unang kinilala at binigyan ng Certificate of Appreciation si outgoing Councilor Arcinue na gumugol ng siyam na taong panunungkulan o katumbas ng 3 consecutive terms bilang konsehal ng lokal na pamahalaan.

“Balbaleg ya salamat ed samay suporta ya inpangaro, inter yo ed pamilya mi for 9 years tan pinan-graduate yo ak bilang konsehal ed Lingayen–thank you very much. Anggapoy salita nu panunto naibaga so pisasalamat mi. Marami po akong natutunan sa 9 years po na pagsisilbi sa bayan Lingayen. Huwag po kayong mag-alala, nandito lamang po parati ang pamilya na handang tumulong sa inyo kahit wala na po kami sa munisipyo. Thank you din po sa inyo Mayor sa support at lagi lang po kaming nandito ng pamilya ko para sumuporta sa administration ninyo” pahayag ng opisyal.

Idinaan naman sa masayang paraan ang hatid na mensahe ng tinaguriang “Mr. Suave” ng bayan na si outgoing Councilor Bernal. Na nakaranas na ring maging outgoing councilor sa kanyang maka-ilang ulit na termino.

“Sanay na ko sa pagiging outgoing. Noong 2001 until 2010 grumadweyt na po ako noon. Ngayon nanaman, outgoing na po ulit. I thank our beloved Mayor because noong mga nakaraang outgoing ako ay hindi na po ako nabigyan ng attention–ngayon po nakita ko kay Mayor, pinapahalagahan pa rin niya kaming mga outgoing at binibigyan kami ng pansin. Maraming salamat po Mayor. And, hindi pa rin po ito ang pagpapaalam ko sa inyo, baka akala ninyo nagpapaalam na ako. I will visit you regularly, dadalawin ko kayo.

Nandito ang buhay ko sa Lingayen. Kayo ang 2nd family ko. Masakit sa akin na magpapaalam ako pero hindi po ako magpapaalam dahil babalik po ako. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Marami po akong natutunan na kasama ko kayo, no regrets-mahal na mahal ko po kayong lahat. Thank you very much. I will always love you, Lingayen” ani Bernal.

Emosyonal naman na nagbahagi ng kanyang mensahe ang itinuring na ina ng bayan na so outgoing Vice Mayor Judy Vargas Quiocho. Inihayag nito sa publiko ang taospusong pasasalamat sa ibinigay na suporta pati na ang kanyang desisyon na bitawan at tuluyan ng magretiro sa pulitika.

“This is my last flag Raising Ceremony as your Vice Mayor. This will be officially my last flag raising as a politician. Hindi naman po ako hypocrite-masakit. 12 years of my life, pagka-graduate ko po ng college, pumasok na po ako agad sa munisipyo. 9 years as councilor, 3 years as your vice mayor. I’m very happy na nakapagsilbi sa bayan ng Lingayen pero of course, this position (any elected position) cannot be held forever by anyone. And so I think, my political journey ends now. Meaning, masaya na po ako sa labing dalawang taon. Mahirap po magsalita ng tapos pero politically I think, it’s not for me anymore. Baka it’s God’s way of telling me that there are many more opportunities outside politics but in public service, I will always be here”.

Idinagdag pa ng opisyal na naging masaya ito sa labing dalawang taong panunungkulan ngunit mas sumaya pa noong nakasama at nakatrabaho umano nito si Mayor Bataoil ng tatlong taon.

“Gusto ko rin sabihin na the past 12 years of my life here in the LGU–I’ve been so happy. But for the last 3 years is also one of the BEST because of course, I was able to work with Mayor & the department heads. BAGO ang LGU–iba ang pamamalakad.

Sobrang dami nang nangyari sa buhay ko so I apologize if maybe there were times na nagkulang ako sa trabaho ko, nagkulang ako sa inyo. Tao lang po ako at may mga pinagdaanan din po ako sa buhay ko. But I wanted that time, to never make you feel na wala ako, na hindi ako nasa likod ni Mayor Bataoil. Gusto ko laging maramdaman niyo na I’m giving my 101% in my work as a public servant. Nagtrabaho ako ng 12 years and I gave it my best shot. Bilin ko lang po, please make sure that the Mayor is happy all the time and stress free. The Mayor is not getting any younger, so please wag ninyong stressin si Mayor. Uulitin ko po sa inyo, we have here the BEST mayor of Lingayen so you take care of him okay? So ayon lamang po, maraming maraming salamat po sa inyong lahat, this is your Vice Mayor Juday De Leon Vargas-always at your service. Mabuhay ang bayan ng Lingayen!”

Samantala, bagama’t wala at hindi nakadalo sa naturang aktibidad ay binigyan pa rin ng pagkilala si Coun. Shiela Castañeda na may siyam na taong panunungkulan din o katumbas ng 3 consecutive terms bilang konsehal sa bayan.

Maging ang isang miyembero at lider ng Non Government Organization na si Ginoong Benjamin Sison ay nabigyan din ng pagkilala bilang epektibong MFARMC o Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC) Chairman.

Nagtapos ang nasabing aktibidad sa isang maikling mensahe ni Mayor Bataoil kung saan hiningi nito ang kooperasyon at tiwala pa rin ng publiko hindi lamang sa kanya ngunit pati na rin sa mga bagong halal na opisyal na makakasama na nitong maglingkod at magbibigay ng serbisyo publiko sa susunod na buwan. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan