Skip to main content

PABATID: MILITARY EXERCISES SA LALAWIGAN NG PANGASINAN

Ipinagbibigay-alam sa publiko na magsasagawa ng military exercises ang 71st Infantry Battalion ng Philippine Army sa ilang piling lugar sa Pangasinan kabilang na ang Bayan ng Lingayen ngayong August 25 hanggang 28, 2026.
 
Upang maiwasan ang kalituhan at pangamba, pinapaalalahanan ang ating mga kabaleyan na ang anumang makikitang paggalaw ng mga tropa at sasakyang militar sa ating bayan o sa mga karatig-lugar ay bahagi lamang ng kanilang regular na pagsasanay.
 
Hinihiling ang pag-unawa at pakikiisa ng lahat.
 
 
Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan