Skip to main content

PABATID SA PUBLIKO

Base sa eksaminasyon sa laboratoryo na isinagawa ng BFAR-RFO1, ang mga nakolektang shellfish meat samples sa mga katubigan ng Bolinao at Anda ay POSITIBO ng REDTIDE Toxin.

Habang hinihintay ang paglabas ng national Shellfish Bulletin, ang publiko ay pinapayuhan na iwasan muna ang pagkuha, pagbebenta, at pagkain ng anumang uri ng shellfishes at alamang mula sa katubigan ng mga nasabing lugar.

Ang ibang lamang dagat gaya ng isda, pusit, alimango, at hipon ay ligtas kainin basta ang mga ito ay sariwa, natanggalan ng lamang loob at nahugasan ng maigi sa dumadaloy na tubig bago iluto.

Samantala, ang BFAR ay aktibong sinusubaybayan ang katubigan ng Bolinao at Anda upang masigurong ligtas ang publiko.

Click here: https://www.facebook.com/share/p/17xhcs84J9/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan