PACR-CAR CIVIL REGISTRATION TRAINING COURSE 101, GINAGANAP SA LINGAYEN


Mahigit isang-daang Civil Registrars mula sa iba’t ibang siyudad at munisipalidad ng Cordillera Administrative Region (CAR) ang kasalukuyang sumasailalim sa tatlong (3) araw na Civil Registration Training Course 101 sa Purok Marcela Resort sa bayan ng Lingayen simula ngayong araw, ika-16 ng Mayo, 2023.

Ang nasabing pagsasanay ay pinangunahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) CAR at Cordillera Federation of Civil Registrars Inc. (PACR-CAR).

Layon ng naturang programa na mas paigtingin at linangin pa ang kakayahan at pang-unawa ng mga empleyado sa ibat-ibang konsepto at proseso tungkol sa Registration of Birth, Birth with No Known Parents, Application for Marriage License, Marriage, Death, at Fetal Death. Mayroon ring Open Forum upang ipabatid ng mga kalahok ang kanilang sitwasyon, suhestiyon at mga katanungan sa mga matataas na opisyales ng kagawaran.
 
Samantala, personal na naki-isa at mainit na sinalubong ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa bayan ang mga bisitang kalahok mula sa Cordillera Administrative Region. Kaugnay rito ay nagbigay din ng mensahe ang alkalde sa pagsisimula ng programa. “Welcome to the capital town of this great province of Pangasinan, we are not yet that very impressive LGU but we are working very hard to meet the expectations of our people, giving quality public service for all”, ayon sa alkalde.

Samantala, nagsimula ngayong Martes at magtatapos sa Huwebes, ika-18 ng Mayo, 2023 ang naturang pagsasanay ng mga civil registrars. (MIO_JMMangapot)

📸MIO/GcRueda

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan