PAG GUNITA SA ARAW NG KALAYAAN 🇵🇭
Isang makabuluhang seremonya ang isinagawa ngayong umaga sa ating bayan bilang paggunita sa ika-128 anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas.
Sa ilalim ng gabay ng ating butihing Mayora Josefina “Iday” Castaneda, sama-samang nagbigay-pugay sa ating watawat at mga bayani ang ating Municipal Administrator, mga Department Heads, at ang hanay ng ating mga unipormadong kawani mula sa AFP, BFP-Lingayen, at PNP-Lingayen. Nakiisa rin sa pagdiriwang ang Moises J. De Guzman Masonic Lodge No. 161 at ang Order of DeMolay Lingayen Chapter No. 88.
Patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagkakaisa at kabayanihan para sa bayan. Mabuhay ang malayang Pilipino!
#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1DQUafjXRz/








