Pag-iikot Isinagawa sa Baybayin ng Lingayen para sa Kaligtasan ng Publiko sa Harap ng Bagyong Nando
Nagkaisa ang pwersa ng Lingayen Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni Sir Clark Mamaril para magbigay-babala sa mga residente, lalo na sa mga mangingisda at beach-goers sa mga baybayin ng Lingayen.
Kasunod ng Gale Warning Advisory mula sa PAGASA, mahigpit na ipinagbabawal ang paglalaot at pagligo sa dagat dahil sa banta ng malalaking alon na dulot ng Bagyong “Nando.”
Hinihikayat ang lahat na sumunod sa mga advisory ng PAGASA at ng lokal na pamahalaan para makaiwas sa anumang disgrasya. Ang kaligtasan ng bawat isa ang pangunahing layunin ng pag-iikot na ito.
Click here: https://www.facebook.com/share/p/19wmcvKxdN/









