Skip to main content

PAGBABAKUNA SA MGA CHIKITING KONTRA COVID-19 IKINAKASA NA

Nakatakda na ring simulan ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang pagbabakuna sa mga kabataang nasa edad 5 hanggang 11.

Ito ang inanunsyo ng Municipal Health Office o MHO Lingayen.

Ayon sa naturang tanggapan, kailangan na ring mabakunahan ang mas nakababatang populasyon upang magkaroon na rin ang mga ito ng sapat na proteksyon.

Ngunit bago aniya tuluyang isagawa ang pagbabakuna, kinakailangan munang iparehistro ng mga magulang ang kanilang mga anak sa barangay. Maaari umanong makipag usap ang mga ito sa mga barangay health workers o BHWs upang mabigyan ng slots ng COVID-19 vaccine.

Tiniyak naman ng MHO na ligtas ang mga bakunang gagamitin sa mga bata kung kaya’t walang dapat ipangamba ang mga magulang. Sisiguraduhin din ang maayos na pamamahagi ng gagamiting bakuna na inilaan sa nabanggit na age category.

Sa ngayon, inaayos na ng MHO Lingayen ang magiging iskedyul ng bakuna sa mga kabataang edad 5 hanggang 11. Tanging ang kailangan lamang muna umanong gawin ng mga magulang ay ipalista at iparehistro ang kanilang anak sa kanilang barangay.

Manatiling naka-antabay sa official facebook page ng LGU Lingayen para sa mga anunsyong may kaugnayan sa naturang bakuna. (MIO)

 

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan