Skip to main content

PAGBABASBAS AT TURNOVER NG MGA BAGONG SASAKYAN AT KAGAMITAN NG LGU

Binasbasan at pormal na ini-turnover ngayong araw ang tatlong (3) bagong service trucks ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen. Pinangunahan ni Fr. Wilber Tobe ang pagbasbas. Ang mga nasabing service trucks ay tuluyan nang ipinagkatiwala sa MENRO, Engineering Office, at Market and Slaughterhouse upang magamit para sa mas mabilis at maayos na operasyon ng kani-kanilang tanggapan.
Bukod dito, pormal ding iprinisinta at nai-turnover ang bagong Real-Time Kinematic (RTK) Survey Equipment. Ito ay isang makabagong kagamitan na makatutulong para sa mas maayos at mabilis na land surveying at iba pang proyektong pang-imprastraktura sa ating bayan.
Tanda ito ng patuloy na pagsisikap ng ating Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayora Josefina “Iday” Castañeda na itaas ang antas ng serbisyo publiko para sa bawat Lingayenense.
#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CxDKxHBfU/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan