PAGBISITA NI MAYORA IDAY SA PAMILIHING BAYAN
Kamakailan ay personal na bumisita si Mayora Iday kasama sina Konsehal Jolo Lopez, Chief Poso, ang PNP Chief, Market Head Officer, at ang Pangulo ng Market Vendors Association upang inspeksyunin ang Pamilihang Bayan.
Layunin ng pagbisita na masuri ang kalinisan, kaayusan, at kabuuang operasyon ng pamilihan, gayundin ang pagtugon sa pangangailangan ng mga tindero at mamimili.
Nagsagawa rin sila ng pakikipag-ugnayan sa mga nagtitinda at mamimili hinggil sa seguridad, waste management, at maayos na daloy ng tao sa loob ng pamilihan. Ipinapakita nito ang patuloy na malasakit at pagtutok ng lokal na pamahalaan upang mapanatiling ligtas, malinis, at maunlad ang pamilihang bayan para sa lahat.
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1GM7cX6rzM/









