
Pagbubukas ng klase bukas, September 13, 2021
Naka-abot po sa aking atensyon ang panawagan ng ilang mga guro, principal at mga magulang na nangangamba sa opisyal na pagbubukas ng klase bukas, September 13, 2021 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating bayan at lalawigan.
Tulad po ninyo ako po ay nakiki-isa at nauunawaan ang panawagang ito, kaya tayo po ay kumunsulta kay Department of Education Regional Director Tolentino Aquino, upang idulog ang inyong hinaing. Ayon po kay RD Aquino, tanging Malacanang lamang po ang may awtoridad na ipagpaliban ang pagsisimula ng klase.
Ang lokal na pamahalaan ng Lingayen ay hindi po basta-basta maaring magdeklara ng postponement ng pagbubukas ng klase dahil ito po ay pambansang kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon na aprubado ng National Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID).
Tayo po ay naatasang tumalima sa kautusan ngunit pinapayuhan po ang lahat na ipatupad ang ibayong pag-iingat sa ating mga paaralan at ang mahigpit na pagsunod sa mga umiiral na minimum health standards.
Nakiki-isa rin po tayo sa direktiba na ipinalabas ng Schools Division Office I sa mga paaralan sa bayan, kabilang ang mga sumusunod:
1) Exercise prudence (caution or circumspect as to danger or risk) whether or not teachers should physically report. As a general rule, teachers should be on a WFH modality and will only be required to report physically if they have essential tasks to perform in the school which cannot be done at home;
2) Devise and strategize on how SLMs can be distributed posting minimal or no risk to our teachers and parents;
3) Make a BALANCE decision anchored on sound judgment, the continuity of school operations and safeguarding the safety of personnel under your care. Stay safe. We pray that our God Almighty touch all our brothers and sisters with his healing hands. May he continue to protect us all.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, mag-ingat po tayong lahat at kasihan nawa tayo ng Panginoon.
HON. LEOPOLDO N. BATAOIL
Municipal Mayor