Skip to main content

PAGGUNITA SA IKA-82 TAONG ANIBERSARYO NG ARAW NG KAGITINGAN, IDINAOS SA LINGAYEN

Matagumpay ang isinagawang paggunita sa Araw ng Kagitingan ngayong araw, ika-9 ng Abril, 2024 sa bayan ng Lingayen sa pangunguna ni Mayor Leopoldo N. Bataoil, na siya ring presidente ng League of the Municipalities of the Philippines (LMP) Pangasinan Chapter.

Nakiisa rin sa aktibidad ang Philippine Veterans Affairs Office, Veterans Organization of Pangasinan Inc., Veterans Federation of the Philippines, Philippine National Police(PNP) Pangasinan Retirees Association Inc., ilang myembro ng PMA Magilas Class of 76, Pangasinan Police Provincial Office (PPO), PNP Lingayen, Bureau of Fire Protection (BFP) Lingayen, Sangguniang Bayan Members na pinangungunahan ng bise alkalde Mac Dexter Malicdem, department managers, media, mga bisita, at mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Nagbigay naman ng pambungad na pananalita si bise alkalde Malicdem habang naghandong ng isang espesyal na pagtatanghal si Binibining Alyssa Erasquin para sa lahat ng nagsipagdalo.

Nagsilbi naman bilang panauhing pandangal si Gobernador Ramon “MonMon” V. Guico III. Ayon sa gobernador, ang mga kaganapan na gaya nito ay isang pagkilala sa mga beterano at mga bayaning nagbuwis at nag-alay ng kanilang buhay para sa kasarinlan ng Pilipinas.
“Noong tayo ay nasa kongreso pa, ating ipinaglaban at binigyan ng importansya ang kahalagahan ng paggunita sa araw ng kagitingan sa bansa…nararapat lamang na ating pasalamatan ang kabayanihan, kadakilaan at pagkakaisa ng mga bayaning PIlipino,” ito naman ang naging mensahe ni Mayor Leopoldo N. Bataoil, na isang datihang sundalo at naging kongresista ng segundo distrito ng Pangasinan.

Nagpasalamat din si Mayor Bataoil sa lahat ng mga dumalo sa paggunita ng Araw ng Kagitingan sa bayan at tinitiyak ng alkalde na patuloy ang pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa mga beterano, at mga bayaning Pilipino sa kasalukuyan. (MIO/JMMangapot)
📸MIO/DDeGuzman/GcRUeda

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan