Paghahanda at Monitoring sa Super Typhoon “ Hinnamnor” at Tropical Depression “Gardo”
AUGUST 31, 2022: Maagang nagconvene ang mga myembro ng Lingayen Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa pamumuno ng chairman nitong si Mayor Leopoldo N. Bataoil upang alamin ang mga paghahandang isinasagawa ng bawat tanggapan na may kinalaman sa response, rescue, relief at evacuation.
Naka-alerto na rin ang buong pwersa nga LDRRMO katuwang ang kapulisan at Bureau of Fire Protection at mga Barangay MDRRMCs para sa paghahanda at manitoring sa Super Typhoon “ Hinnamnor” at Tropical Depression “Gardo” na posibleng magdala ng mga pag-uulan na magpapalakas din sa Habagat.
Patuloy pong maghanda, mag-ingat at maging alerto sa mga banta ng malalakas na ulan at pagbaha.