PAGPAPALAKAS NG KAHANDAAN: MGA BAGONG RESCUE BOATS
Bilang pakikiisa sa National Disaster Resilience Month 2026, pormal nang nai-turnover ang mga bagong rescue boats sa mga coastal barangays ng ating bayan.
Sa tulong at patnubay ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) Chairperson, Mayora Josefina V. Castañeda, pormal na tinanggap ng Poblacion, Maniboc, Pangapisan North, Libsong East, Domalandan Center, Domalandan East, Tumbar, Rosario, Capandanan, Dorongan, at Bantayan ang mga kagamitang ito.
Ito ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng Lokal na Pamahalaan na tiyakin ang mabilis na pagtugon sa sakuna at kaligtasan ng bawat pamilyang Lingayenense.
#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18zzF1H6FG/









