Skip to main content

PAGPAPATAYO NG FISH CAGES, PANSAMANTALANG IPINAGBAWAL

Nanawagan ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa publiko lalo na sa mga mangingisda na iwasan muna ang pagpapatayo ng fish cages sa mga katubigang sakop ng bayan.

Ito ay upang mapangalagaan at maprotektahan ang mga dagat at dalampasigan.

Sa katunayan, nagsagawa ng dialogue o pagpupulong sa mga fish operators ng Brgy. Bantayan ang Municipal Agriculture Office (MAO-Lingayen), Pangasinan PDRRMO at ang Task Force Kalikasan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Col. Fernando R. de Guzman.
Dito napag-usapan ang operasyon ng mga fish cages sa lugar pati na ang kanilang panawagan na kusa munang baklasin ang kanilang mga naipatayong istraktura .

Binibigyan umano ng pagkakataon na maisalba ng mga operator ang mga valuable assets tulad ng pen at mga cage enclosure materials.

Umaasa naman si Municipal Agriculturist Dr. Rodolfo Dela Cruz na susundin ng publiko ang kanilang panawagan dahil wala umano itong ibang layunin kundi ang maiwasan ang pagkamatay ng mga alagang isda at gumanda ang kalidad ng tubig sa bayan. (MIO)

 

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan