
PAGSASANAY NG MGA EMERGENCY REPONDERS SA BAYAN IDINAAN SA ISANG SIMULATION DRILL
Naging malapit sa katotohanan ang isinagawang simulation exercise ng Local Disaster and Risk Reduction and Management Office o LDRRMO Lingayen at Philippine Red Cross nitong weekend sa bayan.
Bahagi sa isinagawang pagsasanay ang pagkakaroon ng emergency situation kung saan isa sa isang senaryo ay may insidente nang pagkalunod.
Agad na rumesponde dito ang mga kawani ng LDRRMO at ginamit ang lahat ng kanilang mga natutunan mula sa kanilang naunang isang linggong training ng First Aid at Basic Life Support tulad na lamang ng CPR o cardiopulmonary resuscitation, pati na rin ang Ambulance Operation Training.
Ayon sa LDRRMO, mahalaga ang kanilang isinasagawang mga pagsasanay lalo na’t sila umano ang magsisilbing first responder sa panahon ng kalamidad o mga aksidente maging sa dagat. Hindi lamang umano sa panahon ng tag-ulan o bagyo ito magagamit kundi maging sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Isa lamang sa adboksiya ng naturang tanggapan ay maiwasan at mabawasan ang mga hindi magandang insidente sa bayan tulad na lamang ng pagkalunod.
Hakbang na rin ito ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil na mapalakas pa lalo ang kakayanan at kapasidad ng mga firsty responders sa bayan upang mapangalagaan ang kaligtasan ng kanyang mga kababayan sa panahon ng anumang uri ng sakuna o kalamidad. (MIO)