Skip to main content

PAGSASARA NG MGA SEMENTERYO, EPEKTIBO NGAYONG ARAW

Sarado na ang lahat ng sementeryo, memorial parks at kolombaryo sa bayan simula ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 29, 2020.

Ito ang kinumpirma ng Philippine National Police o PNP Lingayen alinsunod na rin sa kautusan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases upang maiwasan ang pagtitipon ng maraming tao sa panahon ng COVID-19.

Inihayag ng pulisya na ang panganib ay hindi pa nawawala at dapat siguraduhin na walang mass gathering sa mga sementeryo lalo na ngayong Undas. Istrikto umano nilang babantayan ang mga lugar upang matiyak na walang susuway sa kautusan ng gobyerno.

Tatagal ang pagsasara sa mga sementeryo at columbarium hanggang sa November 4.
Samantala, naging maayos at payapa sa pangkalahatan ang pagdalaw ng mga tao sa sementeryo noong Oktubre 26-28, 2020.

Ayon sa PNP, nasunod ng maayos ng publiko ang ginawang iskedyul kada barangay pati na ang pagobserba ng health protocols o minimum health standards.

Bagama’t isinara na, sinabi ng PNP na nakaalerto pa rin ang kanilang tanggapan sa panahon ng Undas upang masiguro ang kaligtasan ng mga nagbabakasyon at nagbibiyahe para sa naturang paggunita. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan