PALAY SEEDS MULING IPINAMAHAGI NG DA SA MGA REHISTRADONG MAGSASAKA SA BAYAN


Tuluy-tuloy pa rin ang iskedyul ng pamamahagi sa bayan ng certified inbred seeds mula sa Department of Agriculture o DA.

Katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen at ang Municipal Agriculture Office (MAO), nabigyan ng nasa higit isang libong sako ng palay seeds ang mga lokal na magsasaka.

Ang mga nasabing binhi ay ipinamamahagi sa mga local farmers na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) sa bayan.

Ayon sa MAO Lingayen, mayroong 1,370 bags na alokasyon ang DA na siya namang binigay sa mga magsasaka mula sa dalawampu’t dalawang (22) barangay na kinabibilangan ng mga sumusunod:

Aliwekwek, Bantayan, Basing, Balangobong, Capandanan, Domalandan East, Domalandan West, Domalandan Center, Dulag, Estanza, Lasip, Malawa, Matalava, Malimpuec, Naguelguel, Namolan, Quibaol, Sabangan, Talogtog, Tumbar at Wawa.

Ang pamimigay ng inbred palay seeds para sa mga magsasaka ay personal na sinaksihan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil na siyang naki-usap at nanawagan din sa mga benipesyaryo na huwag sayangin ang tulong ng pamahalaan.

Naniniwala ang alkalde na ang simpleng pamamahagi ng mga binhi ay malaking tulong na upang mapalakas ang produksyon ng palay at bigas sa bayan at mapataas din ang kanilang ani at kita.

Una nang namahagi ng high breed palay seeds ang DA noong nakaraang buwan kung saan labing anim (16) na barangay naman ang masuwerteng nabigyan.

Lubos ang pasasalamat ng LGU Lingayen sa Department of Agriculture dahil sa patuloy nitong pagbibigay at pagtataguyod ng mga proyektong makatutulong hindi lamang sa ikauunlad ng bayan ngunit pati na rin sa kabuhayan ng mga kababayang magsasaka. (MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan