Skip to main content

PAMAMAHAGI NG 2ND TRANCHE NG SAP, 99% NA – MSWDO

Malapit ng makumpleto ng Municipal Social Welfare Development Office o MSWDO Lingayen ang pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ito ang kinumpirma mismo ni Lorenza Decena, MSWD Officer ng bayan.
Ayon sa MSWDO nasa 99% na ang completion rate o natapos sa LGU Lingayen sa pamamahagi ng ayudang pinansyal o SAP distribution ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ilan na lamang umano sa kanilang hinihintay ay ang mga benipisyaryong nasa ibang lugar at di pa nakukuha ang kanilang ayuda.

“Nasa 99% na po tayo sa SAP Distribution sa 2nd tranche. Patapos na ito at halos lahat naman na ng barangay ay nabigyan na. Ang hinihintay na lamang po natin ay yong ibang benefeciaries na nasa ibang lugar at uuwi pa lamang dito sa bayan natin” ani Decena.

Ikinatuwa naman nitol ang sistematiko at mabilis na payout ng 2nd tranche ng SAP cash aid dahil kanila na umanong natutunan ang mga pagkukulang sa naunang payout.

Pinasalamatan din nito ang mga Financial Service Providers sa bayan na nagkusang magsagawa ng full operational capacity para matiyak na hindi maaantala ang pamimigay ng SAP o ayuda sa mga kababayan.

Nanawagan naman ang MSWDO sa mga kwalipikadong benipesyaryo na hindi pa nakukuha ang kanilang ayuda na magtungo lamang sa kanilang tanggapan o opisina, Lunes hanggang Biyernes mula alas otso ng umaga hanggang ala singko ng hapon.

Paalala nito sa claimants, magdala ng valid ID, magsuot ngf face mask at face shield at sumunod sa physical distancing at iba pang health protocols. (MIO/MRBLlanillo)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan