PAMAMAHAGI NG DSWD AICS PINANGUNAHAN NI SEN. IMEE MARCOS

Tinatayang isang libong benepisyaryo mula sa bayan ng Lingayen ang nakatanggap ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) ngayong araw ng Sabado, May 13, 2023 na ginanap sa Lingayen Civic Center.

Ang bawat indibidwal ay nakatanggap ng tig tatlong libong pisong financial assistance (P3,000) na pawang nagmula sa sector ng market at Baywalk vendors, TODA members at solo parents na mga hindi pa nakatanggap ng anumang ayuda, hindi myembro ng 4Ps o may kaanak na myembro nito o kapamilyang napasali na sa mga unang tumanggap ng mga financial aid ng gobyerno.

Namahagi rin Nutribun, inumin at laruan si Senator Imee para sa mga bata na bahagi na ng sinaunang programa ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, habang nabigyan din ng Nutribun ang lahat ng beneficiaries ng AICS.

Mainit naman ang naging pagsalubong at pagtanggap ng mga Lingayenense sa Senadora sa pangunguna ni Mayor Leopoldo N. Bataoil at mga myembro ng Sangguniang Bayan. Pinasalamatan din ng alkalde ang senadora sa patuloy na pagdadala ng biyaya para sa kanyang mga kababayan.

Naroon rin sa pagtitipon sina Vice Governor Mark Ronald Lambino na kumakatawan sa Provincial Government gayundin si 2nd District of Pangasinan Congressman Mark Cojuangco.

Full force din ang kapulisan sa paniniguro ng kaayusan at seguridad ng aktibidad sa pangunguna ni Police Regional Office I, Regional Director PBGen. John C. Chua.

Maliban sa tulong pinansyal sa ilang vulnerable sectors ng bayan, nangako si Senator Imee ng limang milyong pisong (P5M) pondo para sa bayan ng Lingayen na ilalaan sa livelihood program na may kinalaman sa agrikultura, pagkain o food processing.

Nag paunlak din ng interview sa mga kawani ng media ang Senadora bago tuluyang tumulak sa bayan ng Binmaley para sa parehong programa na distribusyon ng DSWD-AICS. (MIO)

📸MIO/KPaulo/DjEstrada/CCacondangan

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan