Skip to main content

Pampublikong Aklatan: Puso ng Kaalaman at Pag-asa

May 4, 2026 Sa bawat pahina na binubuklat at oras na inilalaan sa pag-aaral, sumasalamin ang kasipagan, tiyaga, at determinasyon ng bawat mag-aaral. Ang Pampublikong Aklatan ay hindi lamang isang lugar–ito ay tahanan ng kaalaman, isang ligtas at libreng espasyo kung saan nabibigyang-buhay ang mga pangarap. Sa pamamagitan ng tahimik na kapaligiran at libreng akses sa internet, nagiging tulay ito tungo sa mas malawak na pagkatuto at opportunidad. Ang Pampublikong Aklatan ng Lingayen, ay patuloy na nagsisilbing puso ng komunidad–isang sentro para sa pananaliksik, paghahanda sa mga aralin, at paghubog ng kinabukasan. Ang patuloy na pagdagsa ng mga estudyante ay patunay ng mahalagang papel nito sa pag-angat ng edukasyon at pag-asa ng bawat mamamayan. ✨📚📖📚⭐

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1EPknoAe2h/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan