Skip to main content

PANALANGIN AT PASASALAMAT

Sinalubong ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang unang araw ng Hulyo sa pamamagitan ng pag-aalay ng Banal na Misa na ginanap ngayong araw sa Municipal Atrium.
Ito ay panata ng pasasalamat sa mga nakalipas na biyaya, at panalangin para sa patuloy na gabay at kaligtasan ng bawat Lingayenense. Sunod na isinagawa ang pagbabasbas ng bagong-kumpuning tanggapan ng Municipal Assessor’s Office na bahagi ng patuloy nating layunin na mas maayos na mapaglingkuran ang ating mga kababayan. Isang mapagpalang buwan po sa ating lahat!
#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1M7CS4k5Hc/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan