Skip to main content

PANAWAGAN SA LAHAT NG RESIDENTE

Sa lahat po ng ating mga kababayan na nangangailangan ng , mangyaring mag-iwan ng mensahe sa comment section at ilagay ang sumusunod na impormasyon upang mas mabilis kayong mahanap at matulungan ng ating mga rescue team:
PANGALAN:
Pangalan ng contact person o ng mga nangangailangan ng tulong.
EKSAKTONG LOKASYON:
House number, kalye, barangay, bayan/lungsod, at mga madaling makilalang landmark (hal. malapit sa simbahan, tapat ng establisimyento, o bahay na may partikular na kulay ng bubong).
BILANG NG TAO:
Ilang matatanda, bata, sanggol, buntis, PWD, senior citizen, o iba pang nangangailangan ng espesyal na atensyon.
SITWASYON SA LUGAR:
Ilarawan kung hanggang saan ang baha (hal. tuhod, baywang, dibdib, bubong), kung may gumuhong lupa, nasirang bahay, sunog, o iba pang panganib.
NUMERO NG TELEPONO:
Magbigay ng active contact number na maaaring tawagan ng rescue team.
KASALUKUYANG KONDISYON:
May sugatan ba? May nangangailangan ba ng agarang medical assistance? May sapat pa bang pagkain, tubig, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan?
⚠️ MAHALAGANG PAALALA:
Kung nasa agarang panganib, huwag nang hintayin ang online response. Humingi agad ng tulong sa pinakamalapit na awtoridad o rescue personnel at sundin ang evacuation instructions.
“Say too ya preparado,
alerto tan alisto arawi ed risgo.”
For Emergency Response related concerns,
Please contact: Ldrrmo Lingayen
No. : (075) 653 7515
Mobile No. : 0919-099-2230
Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan